NPA KUMITA NG P5.3-B SA EXTORTION ACTIVITIES

NPA

CAMP AGUINALDO – UMABOT na sa P5.3 bilyon ang kinita ng New People’s Army (NPA) mula sa kanilang pangongotong o ang tinaguriang revolutionary taxes sa loob lang ng da­lawang taon mula 2015 hanggang 2017.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Col. Edgard Arevalo na sinabing “large scale extortion” lang ang maitatawag sa pangongo­lekta ng NPA ng pera sa mga pribadong kompanya.

Giit ni Arevalo, ang komunistang NPA ang nasa likod kung bakit naging baldado ang negosyo sa agrikultura at sanhi ng pagkawala ng trabaho ng mga mamamayan.

Tiniyak naman ni Arevalo na pinaigting na ng AFP ang kampanya para i-dismantle ang mekanismo ng NPA na patuloy na ginagawang gatasan ang mga pribadong negosyo.

Sa record, ilang mga kagamitan ng mga kompanya ang kanilang sinunog sa parte ng Mindanao kapag hindi umano nakapagbibigay ng revolutionary tax ang kanilang puntirya.  EUNICE C.