QUIRINO – ARESTADO ang isang pinaniniwalaang team leader ng New People’s Army (NPA) kasama ang kanyang karelasyon matapos isilbi ang kanilang mga warrant of arrest sa kanilang bahay sa Barangay Magsaysay, Diffun.
Kinilala ang naarestong si alyas Rey, 36-anyos, team leader ng Northern Front and Head Communication Regional Organization KR-CV na residente ng Barangay Magsaysay, Diffun, Quirino at kanyang live-in partner na si Sha Malubay.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Eufren Changale, Presiding Judge ng RTC Branch 38 Maddela-Nagtipunan ay may kasong kinakaharap si Busania na 6539 o carnapping na may criminal case no. 38-312, robbery na may crimanal case no. 38-311 at adultery na isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng awtoridad.
Ayon kay Busania, inamin niya na umaakyat din umano sa bundok at ang huling akyat nito ay noong nakalipas na anibersaryo ng mga umano’y rebelde na nakikibaka sa pamahalaan.
Tahasang sinabi rin ni Malubay na minsan ay sumasama rin sa pakikibaka at rally ng makakaliwang grupo. REY VELASCO