NPA ‘MALAKAS’ SA BICOLANDIA

NPA SURRENDER

ALBAY – BAGAMAN puspusan ang panawagan ng militar sa taumbayan partikular sa mga politiko at negosyante na huwag kunsintihin ang extortion activities ng mga Communist Party of the Philippines (PNP)-New People’s Army (NPA) hindi makakaila na marami pa ring sumusuporta sa teroristang grupo sa Bicol region.

“Hindi magsisinunga­ling ang figure o halaga,” ayon sa isang opisyal ng pamahalaan.

Batay naman sa pagtaya ni 9th ID spokesperson Col. Paul Regencia, nasa P7 bilyon hanggang P9-bilyon ang extortion money na nakolekta ng mga rebelde.

Aniya, galing ang nasabing halaga sa mga politiko at pribadong indibid­wal na sumusuporta sa mga rebeldeng grupo magmula noong taong 2017 hanggang 2018.

Muling nagbabala ang opisyal na kakasuhan ang mga local official na mapatutunayang sangkot habang naisumite na umano ang pangalan ng mga tumutulong sa NPA sa kanilang himpilan.

Ayon kay Regencia, mayroon na rin silang sinampahan ng kaso na isang hindi na pinangalanang opisyal mula sa Que­zon prov-ince dahil sa pagtulong nito sa CPP-NPA.

Magugunitang mismong si Interior Secretary Eduardo Año na nasa 349 local executives ang nagbaba-yad ng campaign fees at sumusuporta sa mga rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay ng extortion money.             EUNICE C.

 

Comments are closed.