NPA MEMBER INARESTO SA MURDER CASE

MASBATE- ISANG miyembro ng New People’s Army (NPA) na may kasong murder ang nahuli ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 P/BGen. Jonnel C Estomo sa Barangay Tog-oron, Monreal.

Sa sinumiteng ulat, kinilala ng Masbate Police Provincial Office ang nadakip na si Edgar Gebilaguin, 48-anyos, residente ng nasabing lugar.

Si Gebilaguin ay nahaharap sa kasong murder sa ilalim ng CC Case NO.1780-2016, na nakasaad sa warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 50, San Jacinto, Masbate, noong Setyember 5, 2016.

Siya ay isa sa itinuturong pumatay sa biktimang si Alvin Zaragoza noong Setyembre 30, 2015 sa Sitio Bangkalan, Brgy. Togoron.

Ang nabanggit na suspek ay isang ring miyembro ng Militia ng Bayan sa ilalim ng command ni Eleazar Ontog, alyas ka “Randy.

Walang iminungkahing piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang paglaya. VERLIN RUIZ