NPA MEMBER TODAS SA ENGKUWENTRO

QUEZON-PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na matagal nang nagtatago sa batas matapos makipagbarilan sa mga awtoridad kahapon ng madaling araw sa Brgy.Lutucan Malabag, Sariaya sa lalawigang ito.

Base sa report ni Maj. Romar Pacis, hepe ng Sariaya PNP kinilala ang nasawi na si Isagani Valencia Isita, 42- anyos, miyembro ng CTG-NPA at residente ng Brgy.Banaba,Padre Garcia,Batangas na may nakabinbing mga kaso na dalawang Murder, Direct Assault upon Agents of Person in Authority,Arson,at Anti-Terrorism Act of 2020 sa mga sala ng RTC Branch 46 Occidental Mindoro,RTC Branch 83 Tanauan City,Batangas,RTC Branch 87 Rosario,Batangas,RTC Branch 7 Batangas City.

Dagdag pa ni Maj. Pacis isisilbi ang Warrant Of Arrest sa kadre ng NPA nang makaramdam nito na may padating na mga pulis at sundalo kung kaya agad umano itong kumasa sa mga miyembro ng Sariaya PNP RMFB 4A MIG 4,1st QPMFC at napilitan naman gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Nabaril at tinamaan ang suspek sa ibat ibang bahagi ng katawan na mabilis na dinala ng mga pulis sa Candelaria Doctors Hospital subalit idineklarang dead on arrival na ito ni Dra. Mabel Lagrimas.

Narekober sa posesyon ni Isita ang dalawang high powered rifles at mga bala. BONG RIVERA