TIWALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy tuloy na ang pagkawasak ng Communsit Party of the Philippines gayundin sa armadong galamay nitong New Peoples Army (NPA).
Ito ay makaraang maitala na umaabot na sa 201 armed rebels ang napaslang at 264 naman ang naaresto, habang 7,615 ang nagpasiyang magbalik loob o sumuko sa pamahalaan.
“Massive withdrawal of mass base support from the North pushes NPA to extinction,” pahayag ni Northern Luzon Command chief Ltgen Arnulfo Marcelo Burgos kasunod ng ulat nito sa punong himpilan ng AFP na umaabot sa 313 NPA surrenders ang naitala mula sa Northern at Central Luzon para sa taong 2020.
Ayon kay Lt. Gen Burgos, 96 assorted firearms ang isinuko sa government security forces kasabay ng mga naganap na mass surrenders ngayong taon.
“Commensurate remunerations depending on the state and caliber of firearms will be given to the surrenders as part of government grants under the Enhanced Comprehensive Local Integration Program or E-CLIP prior to the weapons’ demilitarization”, dagdag pa n Burgos.
Paliwanag pa ng opisyal, higit na kinatatakutan ng CPP-NPA ang pormal na pagsuko at tuluyan ng pagkalas sa nasabing grupo kaysa sa malagasan ng mga armadong mandirigma na kung saan ay nagpapakita na mulat na ang sambayanan at hindi na sinusuportahan ang sinasabi nilang ipinaglalaban.
Kaugnay nito, pinagmalaki ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay na malapit na umanong “mawasak” ng militar ang kilusang komunista sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“I can confidently say that we are close to realizing our goal of totally destroying this communist armed threat by 2022. With operational excellence, organizational efficiency, and the steady support of our people, we can achieve the complete victory we’ve been aiming for,” ani Gapay.
Kasabay nito, pinuri ni Gapay ang kasundaluhan sa naitalang ‘significant accomplishments’ sa pagpuksa sa mga notorious communist leader sa kanilang area of responsibility. VERLIN RUIZ
Comments are closed.