NEGROS ORIENTAL-ISANG hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkuwentro sa Barangay Santol, Binalbagan sa Negros Occidental, Biyernes ng hapon.
Ayon sa 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, kasalukuyang nagsasagawa ng pursuit operation ang mga sundalo ng 62nd Infantry Battalion laban sa mga armadong kalalakihan na sumalakay sa bahay ng isang punong barangay sa bayan ng Isabela noong Miyerkoles nang masabat nila ang may 15 miyembro ng NPA.
Tumagal ng halos isang oras at kalahati ang bakbakan bago nagpasyang umatras ang mga rebelde.
Inabandona ng mga rebelde ang isa nilang sugatan na kasamahan na kinuha naman ng mga sundalo para maipagamot.
Nagpapatuloy naman ang clearing at pursuit operations ng tropa ng pamahalaan laban sa iba pang nakatakas na mga rebelde. VERLIN RUIZ
Comments are closed.