BULACAN- MATAPOS ang mahabang panahon ng surveillance nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, at 70 Infantry Battalion ng Philippine Army, ang isang mataas na opisyal ng New Peoples Army sa ilalim ng Komiteng Rehiyon sa Gitnang Luzon nang Josefina Corpuz Command.
Sa inisyal na report ni Cidg Provincial Officer Maj. June Tabigo-on, kinilala ang nadakip na si Janeth Cruz Y Dela Rosa, 47-anyos, alyas Aryang/Libay/Ditsy/Laura/Frankie/Trixie/Ali/Maribel, tubong San Rafael, Tarlac at residente ng Brgy, Muzon San Jose Del Monte Bulacan.
Base sa paunang imbestigasyon ni SMs.Jayson Dela Cruz ganap na alas-6:45 ng hapon nang madakip ang head at Secretary ng Josefina Corpuz Command sa Door 2, De Guzman Compound, B7, L2, Mountain View Subd. sa nabangit na lungsod.
Inaresto si Ka Aryang sa bisa ng dalawang Alias Warrant of Arrest na inilabas ni Branch 71 Zambales RTC Presiding Judge Hon. Cosuelo-Amog-Bocar na may cc.no.8245 at 8247 sa kasong Attempted Murder.
Nabatid na gumamit din ng Alternative Recording Device (ARD) ang mga tauhan ng pinagsanib na puwersa ng CIDG at militar.
Samantala, detenido ngayon si Ka Aryang sa CIDG detention cell kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang kalayaan. THONY ARCENAL