NPA OFFICER PATAY SA ENGKUWENTRO

NUEVA VIZCAYA-DEAD on the spot ang isang high-ranking NPA officers sa inilunsad na law enforcement operation ng mga tauhan ng Northern Luzon Command at Philippine National Police sa Barangay Kimbutan, Dupax Del Sur sa lalawigang ito.

Sa ulat ni NOLCOM commander Lt.General Arnulfo Marcelo Burgos , napatay ng kanyang mga tauhan si Rommel Tucay alias Steve,Isaac kasalukuyang tumatayong Secretary ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG) Sierra Madre na may nakabinbing kasong homi­cide .

Base sa isinumiteng ulat ni Philippine Army 7th Infantry Division commander MGen. Alfredo Rosario Jr, bitbit ng mga operatives ang warrant of arrest na inis­yu ng korte laban kay Tucay subalit bago pa maisilbi ng mga tropa mula sa 7th Infantry Division kasama ang Dupax PNP ay sinalubong na sila ng sunod sunod na putok ng mga armadong NPA.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay narekober sa encounter site ang isang 9mm pistol, mga dokumento, 3 tablets, 7 smart phones, dalawang Icom radio sets, tatlong power banks at mga personal na gamit.

Agad na pinapurihan ni Burgos ang magkasanib puwersa ng PNP at Philippine Army sa matagumpay na pagkaka neyutralisa sa nasabing ranking NPA official.

Nabatid na lumagda kamakailan sa isang Memorandum of Agreement ang NOLCOM at PNP-DIPO sa Hilagang Luzon para magkatuwang na wasakin at wakasan na ang impluwensiya ng CPP-NPA sa kanilang nasasakupan. VERLIN RUIZ

One thought on “NPA OFFICER PATAY SA ENGKUWENTRO”

Comments are closed.