NPA PATAY, 1 SUNDALO SUGATAN SA SAGUPAAN

BOHOL-ISANG miyembro ng communist New Peoples Army ang napatay habang isang sundalo ang nasugatan sa naganap na sagupaan nitong nakalipas na Linggo sa Brgy Banlasan, Trinidad sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Philippine Army 3rd Infantry (Spearhead) Division rumesponde ang mga elemento ng 47th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt Col Alltson A Depayso sa Purok Annex, Barangay San Vicente, Trinidad, ng nasabing lalawigan.

Kasunod ng sumbong na isang Ruel Quizon na kasapi ng bagong tatag na Trinidad-Talibon Integrated Farmers Association ang napatay sa loob mismo ng kanyang bahay bandang alas-7 kamakalawa ng gabi.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga sundalo laban sa grupo ng NPA Bohol Party Committee sa Brgy Banlasan, Trinidad, bandang alas-9 ng gabi na tumagal ng sampung minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkasawi ng isang sa isang kasapi ng Communist Terro­rist na kinilalang si Joel Soria @Joyjoy .

Nakuha sa encounter site ang isang Caliber 45, isang hand grenade, dalawang magazines with live ammunition, isang baofeng radio, isang backpack with personal belongings, isang Bajaj Motorcycle at subversive documents.

Habang tumatakas, patuloy namang humahabol ang tropa ng pamahalaan kaya nagkaroon ulit ng sagupaan sa Brgy San Vicente, Trinidad na ikinasugat ng isang sundalo nang masabugan ng inihagis na granada Communist Terrorist Group. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “NPA PATAY, 1 SUNDALO SUGATAN SA SAGUPAAN”

  1. I do not know if it’s just me or if everyone else encountering problems with your site.
    It looks like some of the text on your posts are running
    off the screen. Can somebody else please comment and let me know if
    this is happening to them too? This may be a
    issue with my web browser because I’ve had this happen before.
    Thanks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *