ALBAY-“THESE outlaws did not heed my warning. They get what they asked,” pahayag ni PNP- PRO 5 Regional Director Gen. Jonnel C Estomo nang mapatay ng kanyang mga tauhan ang isang kasapi ng Communist Terrorist Group/CPP-NPA-NDFP matapos ang naganap na armadong sagupaan sa Tiwi sa lalawigang ito.
Ayon kay Estomo, pasado alas- 12 ng hatinggabi kamakalawa, nasabat ng mga operatiba ng 502nd Regional Mobile Force Battalion na pinamumunuan ni Lt Danilo Capili ang mga armadong kalalakihan sa boundary ng Brgy Joroan sa bayan ng Tiwi, Albay.
Sa isinumiteng ulat ni Col. Lawrence Gumeyac, commander ng PNP- RMFB5 na nasa gitna sila ng intelligence driven ISO/COMBAT operation sa hangganan ng Brgy Joroan nang paputukan sila ng mga armadong rebelde.
Matapos ang ilang minutong bakbakan narekober sa clearing operation ang bangkay ng NPA na kinilalang si Pedro Cuerdo at isang Caliber .45 pistol.
Wala namang nasugatan sa hanay ng mga tauhan ni Gumeyac habang patuloy ang ginagawang pagtugis sa mga kasamahan ng napaslang na agad tumakas matapos na abandonahin ang kanilang kasamahan .
Sa record ng PNP ang napatay na miyembro ng CTG’S/CNN ay kabilang sa Kilusang Partido 3 na kumikilos sa bulubunduking bahagi ng Bicol Region.
Hinihinalang nagsasaagwa ng surveillance operation ang grupo ng NPA na maaring naglalatag ng kanilang opensibang gerilya laban sa mga soft target na PNP stations at Phil. Army detachments.VERLIN RUIZ
Comments are closed.