NPA PATAY SA MILITAR

ABRA- PATAY ang isa miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng gobyerno sa kabundukan ng Lacub sa lalawigang ito.

Sinabi ni Major Rigor Pamittan, spokesman ng Army’s 5th Infantry Division, ang hindi pa nakikilalang rebeldeng komunista ay kabilang sa Kilusang Larangang Gerilya-Abra (KLG-Abra).

Ang suspek ay napatay sa sagupaan sa pagitan ng mga sundalo ng Alpha Company ng 77th Infantry Battalion at limang miyembro ng grupo ng NPA bandang alas-8 ng umaga.

Ayon pa dito tumagal ng limang minuto ang bakbakan at kalaunan ay umatras ang mga rebelde sa iba’t ibang landas.

Natagpuan din ang isang M-16 Armalite riffle sa lugar ng pinangyarihan ng sagupaan.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang clearing operations habang inilalagay ang mga checkpoint para sa posibleng pagharang sa mga rebelde. EVELYN GARCIA