NPA PATAY SA SAGUPAAN

patay

SORSOGON-HABANG nagsasagawa ng humanitarian mission ang Philippine Army sa Bicol Region, nakasagupa ng tropa ng 31st Infantry Battalion ang nasa 20 miyembro ng New Peoples Army sa Barangay San Francisco, Bulusan ng lalawigang ito.

Ayon kay Capt. John Paul Belleza, spokesperson ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nagsasagawa ng security operation ang tropa ng militar sa Brgy San Francisco sa bayan ng Bulasan matapos na makatanggap ng ulat sa ginagawang extortion activities ng mga NPA sa lugar.

Dito na naka-engkwentro ng dalawang beses  ang mga NPA kahapon ng umaga na nagresulta sa pagkamatay ng isang rebelde matapos ang 45 minutong sagupaan.

Nakubkob naman ng militar ang hideout ng mga NPA sa lugar at nakarekober ng tatlong anti personnel mines, 100 meter wire, at iba pang terroristic propaganda materials.

Patuloy naman ang security operations ng militar sa lugar dahil sa tangka pa ring pangongotong ng mga NPA sa mga residente. REA SARMIENTO

Comments are closed.