LAGUNA – Nasawi sa naganap umanong pakikipag-engkuwentro sa mga kagawad ng Provincial Intelligence Branch (PIB), Regional Intelligence Unit (RIU4A/4B) at Alaminos-PNP ang isa sa itinuturong miyembro ng NPA Sparrow Unit (SPARU of CNT’s) habang aktong maghahain ang mga ito ng warrant of arrest sa Brgy. Palma 2, bayan ng Alaminos, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ni Laguna-PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta kay Calabarzon-PNP Director PBGen. Edward Carranza, nakilala ang napatay na suspek na si Christopher Esabia y Catrodes, alyas Ka Bots/Ka Botong at mas kilala sa pangalang Christopher Salibo Castro/Salibuo, residente ng G Group 7, Payatas, Quezon City.
Ayon kay Laguna-PNP Public Information Officer (PIO) PMajor Jojo Sabeniano, lumilitaw sa resulta ng Intelligence COPLAn, sinasabing responsable ang suspek sa magkakahiwalay na pagpatay sa isang opisyal na pulis at dalawa pa sa lalawigan ng Batangas bukod pa ang mga napaulat na pinaslang na politiko sa lalawigan ng Laguna.
Sa talaan, sinasabing responsable ang suspek sa pagpatay kina PSupt. Rodney Ramirez, former S2 of Batangas PPO, PO1 Oliver Ilagan, at PO1 Christopher Tria sa Balayan, Batangas, Danilo Yang, Former Laguna 3rd District Board Member Danilo Yang sa Brgy. Bautista, San Pablo City, at Dante Liwag, sa Brgy. San Benito, Alaminos, Laguna.
Sa imbestigasyon dakong alas-7:30 ng umaga ng magkasa ng Anti-Criminality Operation ang nabanggit na pinagsanib na operatiba sa lugar bitbit ang warrant of arrest kaugnay ng paglabag nito sa RA 8294 Illegal Possession of Firearms in relation to Omnibus Election Code nang hindi inaasahang magawa umano nitong manlaban dahilan nang agaran nitong kamatayan bunsod ng ilang tama ng bala na tinamo nito sa kanyang katawan.
Narekober ng pulisya sa suspek ang kalibre 38 at kalibre .45 baril, magazine at mga bala kabilang ang isang pitaka na naglalaman ng iba’t ibang identification card (ID). DICK GARAY
Comments are closed.