NPA SUB-LEADER, 3 MIYEMBRO ARESTADO; MGA ARMAS KUMPISKADO

NEGROS ORIENTAL – NADAKIP ng pinagsanib na militar at pulis ang isang sub-leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at tatlong tauhan nito habang nakumpiska sa mga rebelde ang matataas na uri ng armas sa bulubunduking bahagi ng Sta. Catalina.

Kinilala ni Lt. Col. Roderick Salayo, acting commanding officer ng 11th Infantry Battalion (11IB), ang mga inaresto na sina Roel Casilao, pinuno ng Lokal Guerilla Unit of the South Eastern Front (SEF); at mga tauhan na sina Allan Ybañez, Joselie Lasas at Jestoni Lasas.

Nagsasagawa ng strike operation ang mga tauhan ni Salayo kasama ang ilang pulis sa Sitio Tamlang sa Barangay Talalak nang magsumbong ang mga sibilyan doon na may presensiya ng armadong kalalakihan sa lugar kaya agad ginalugad ng tropa ng pamahalaan at natagpuan ang apat.

Nakumpiska ng militar sa grupo ni Casilao ang dalawang M-14 rifles, isang M-16 rifle, isang shotgun, tatlong magazines para as M-14, sari-saring bala para sa M-16 at shotgun, dalawang handcuffs, anim na disposable syringes, mga flash drives, mapa ng Negros Oriental, mga gamot at umano’y subersibong dokumento.

Sinabi naman ni Maj. Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division, na ang apat na naaresto ay miyembro ng SEF na mayroon na lamang 15 miyembro subalit titiyaking madarakip din o pasusukuin upang makamit ang kapayapaan sa lugar.

8 thoughts on “NPA SUB-LEADER, 3 MIYEMBRO ARESTADO; MGA ARMAS KUMPISKADO”

  1. 843052 928017Soon after study a few of the content for your site now, i genuinely as if your technique of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and are checking back soon. Pls have a appear at my web site too and told me should you agree. 908561

  2. 288612 641059Aw, this was a extremely good post. In thought I wish to put in writing like this additionally – taking time and precise effort to make an superb article but what can I say I procrastinate alot and under no circumstances appear to get something done. 17934

  3. 445809 671483Spot up for this write-up, I seriously believe this internet site needs a great deal more consideration. Ill apt to be once much more to learn additional, appreciate your that info. 155077

Comments are closed.