BULACAN- DAHIL sa pinaigting na kampanya ng PNP sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) boluntaryong sumuko sa mga pulis at militar ang isang miyembro na GF Narciso ng CPP-NPA.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director BGen.Jose Hidalgo Jr, mula kay PNP Provincial Director Col.Relly Arnedo kinilala ang sumukong NPA na si Jeric Gutierrez Y Sta.Maria alyas Ka Toto, 27- anyos, binata, tubong Brgy. Calumpang, San Miguel, Bulacan.
Base sa paunang imbestigasyon ni Pat.San Diego ng 2nd Provincial Mobile Force Company, dakong alas-8:30 ng gabi nitong Marso 13 nang sumuko si Ka Toto sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan.
Ayon kay Ka Toto, nag -ooperate ang kanilang grupo sa Bulacan, Rizal, Aurora at lalawigan ng Quezon.
Kasunod nito, isinuko ni Ka Toto, ang isang caliber 38, revolver at limang bala ng baril.
Samantala, isinailalim naman sa tactical interrogation ng 70th Infantry Battalion ng Philippine Army .
THONY ARCENAL