(NPA surrenderees kukumustahin) BAGONG ARMY CHIEF BIBISITA SA SUGATANG SUNDALO

sugatang sundalo

NUEVA ECIJA – MAKARAANG iupo bilang bagong commanding general ng Philippine Army, bumisita ngayong araw si Lt. Gen. Macairog S. Alberto sa headquarters ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, sa Fort Ramon Magsaysay.

Alas-7:30 ngayong umaga inaasahan ang pagdating ni Alberto.

Ayon kay Capt. Catherin Hapin, hepe ng 7th ID Public Affairs Office, ito ang kauna-unahang pagtungo ni Alberto sa mga yunit bilang pinakamataas na opis­yal ng Army.

Si Alberto ang pumalit kay Lt. Gen. Joselito D. Bautista na nagretiro noong Oktubre 15.

Pangunahing bibisitahin ni Alberto ang mga sugatang sundalo sa Fort Magsaysay Army Station Hospital (FMASH) at ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko na nasa kampo.

EUNICE C.

Comments are closed.