NPA TUMBA, 7 ARESTADO SA COMBAT OPERATION

arestado

PATAY ang isang mi­yembro ng New People’s Army (NPA) habang pitong kasamahan nito ang nada­kip kabilang ang isang sugatan nang makasagupa nila ang mga ope­ratiba ng Philippine Army 10 Infantry Battalion at mga pulis sa Barangay Bagacay at Cogon sa Ozamiz City Linggo ng umaga.

Ayon kay Lietenant Colonel Ray Tiongson, ang kumander ng 10th Infantry Battalion ng Philippine Army, nires­pondehan nila ang sumbong ng mga residente hinggil sa presensiya ng mga aramadong rebelde

Subalit bago pa tuluyang mapasok ng military ang Barangay Bagacay ay sinalubong na sila ng sunod-sunod na putok na nauwi sa sagupaan at matin­ding habulan hanggang sa umabot sa Barangay Cogon.

Dito na nagkaroon ng matinding sagupaan sa pagitan ng CPP-NPA at ng militar kasama ang mga miyembro ng 2nd Philippine National Police (PNP) Mobile Force Company.

Napatay sa engkuwentro ang isang rebelde habang naaresto ang pitong miyembro nito.

Sugatan naman ang dalawang sundalo.

Na-recover sa encounter site ang isang M16 rifle, apat na kalibre .45 baril, pitong granada, tatlong motorsiklo at iba pang uri ng mga pampasabog.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis at militar para tugisin ang iba pang nakatakas na mga rebelde. VERLIN RUIZ

Comments are closed.