IGINIIT ng National Price Coordinating Council (NPCC) na hindi lang bigas at asukal ang dapat na itaas ang import kundi maging ang mga isda at gulay upang magkaroon ng maraming suplay na makatutulong sa pagbaba ng presyo.
Sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, na nakikita ng konseho na may problema sa suplay na nagbubunsod sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
“The NPCC meeting basically confirmed that [for] some basic prices especially on agriculture products, may mga increase compared to last year. If you compare it versus last month, relatively stable,” dagdag pa ni Lopez.
Kung ikokompara sa nakaraang taon ay talagang mapapansin ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin.
“Napag-usapan iyong allowing importation on fish and even on sugar if we have to continue and on rice also. Our president has given instruction to really fill up the warehouses ng National Food Authority,” sinabi pa ni Lopez.
Binanggit din ni Lopez na titingnang mabuti ang magiging epekto sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda ang pagtataas ng import sa mga isda, bigas, at gulay.
“There is a tariff that will protect the farmers but anybody can import so that may siguradong supply,” paglilinaw pa niya. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.