HABANG isinasagawa ang groundbreaking ceremony sa isa at kalahating bilyong dolyar na theme park ng Landing International at Nayong Pilipino Foundation sa Parañaque kanina ay inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa lahat ng opisyal ng nasabing foundation.
Nag-ugat ito sa umano’y pag-apruba ng board sa kasunduang ipaupa ang lupain ng Nayong Pilipino sa halagang talo ang pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mahigit sa siyam na ektaryang lupain ng NPF ay ipinarenta sa Landing International Development Limited ng Hong Kong sa loob ng 70 taon.
Ayon kay Patricia Ocampo, chairperson ng NPF, isusulong ng landing ang pamanang kultura ng mga Filipino sa pamamagitan ng isang theme park.
Nakapaloob sa isa at kalahating bilyong pisong investment ang Nayong Pilipino Theme Park, convention center, hotel, mga tanggapan, at commercial facilities.
Nabatid na sa kabila ng sibakan ay tuloy pa rin ang proyektong ito.
Inaasahang magpapasok ng mga turista at trabaho ang itatayong theme park na inaasahang mag-o-operate sa 2022. DWIZ882
Comments are closed.