WALA nang kawala ang National Sports Associations (NSAs) na patuloy na tinatalikuran ang obligasyon na i-liquidate ang financial assistance na ipinagkaloob ng Philippine Sports Commission (PSC).
Mismong ang Office of the Solicitor General (OSG) ang maghahabol sa mga delingkwenteng sports association at inihahanda na ang mga kasong posibleng isampa laban sa mga NSA official sa sandaling mabigong maisumite ang lahat ng mga dokumento sa kanilang liquidation expenses.
“We seek the legal opinion of the OSG. Matagal na namin silang kinausap, pinadalhan ng sulat pero walang nangyayari. Hindi puwedeng matapos ang termino namin dito na milyones pa rin ang hindi liquidated ng mga NSA. The OSG will send the final request for these unresponsive NSAs, kung hindi pa rin sila mag-liquidate, proper legal cases will be filed against them,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Batay sa umiiral na dokumento sa PSC, may 30 araw lamang matapos makumpleto ang programa o events ang mga NSA para maisumite ang liquidation report sa ahensiya. Sa record ng PSC, umabot sa P160 milyon ang pondong hindi pa nali-liquidate ng may 40 NSAs sa PSC.
“These funds are people’s money. Hindi ito amin, sa pamahalaan ito kaya kailangang dokumentado ang papel at responsibilidad ng mga NSA na i-liquidate ‘yung perang hiningi nila sa PSC,” ayon kay Ramirez.
Iginiit ni Ramirez na mismong ang Commission on Audit (COA), sa isinagawang exit conference sa PSC, ang nababahala sa malaking pondo na hindi ma-liquidate ng mga NSA.
Nagpatupad na si Ramirez, katuwang ang PSC Board na kinabibilangan nina Commissiers Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Charles Maxey at Celia Kiram, ng ‘No liquidation, No assistance’ policy laban sa mga NSA na may mga nakabimbin pang obligasyon sa PSC. Hindi na idinetalye ni Ramirez ang mga NSA na delingkuwente.
Nilinaw naman ni Ramirez na hindi maaapektuhan ang suprta sa mga atleta sa ipatutupad na ‘reform policy’ ng ahensiya.
“Kung ang NSA ay hindi pa liquidated, direct to the athletes muna ang pagbibigay ng assistance para sa kanilang pagsasanay at partisipasyon sa torneo abroad,” ayon kay Ramirez.
“Lahat ng suporta naibigay na natin sa ating mga atleta na kwalipikado sa Tokyo Olympics, gayundin sa mga lalaro sa South-east Asian Games sa Disyembre sa Vietnam. EDWIN ROLLON
974545 601881Hi. Cool write-up. There is actually a dilemma with the web internet site in firefox, and you may want to test this The browser is the marketplace leader and a huge portion of folks will miss your exceptional writing due to this difficulty. 470866
719071 506184I admire the useful facts you offer inside your articles. I will bookmark your weblog and also have my children verify up here often. Im really confident theyll learn a great deal of new items right here than anybody else! 764201
455171 872891Terrific paintings! That will be the type of info that are meant to be shared around the net. Shame on the seek for no longer positioning this publish higher! Come on more than and consult with my site . Thank you =) 925330