NTA-DA GUMAMIT NG DRONE SA PAGGAWA NG MAPA NG TOBACCO PLANTATIONS

Tinatayang umaabot na sa 22,073 .09 ektarya ng lupaing pang agraryo na nataniman  na ng 36,102 magsasaka ng tobacco ang na-validate na ng pamahalaan sa mga taong 2023-2024.

Ayon kay National Tobacco Administration (NTA) Administrator  at CEO Belinda S. Sanchez, ang hakbang na ito ay bahagi ng kasalukuyang isinasagawa ng ahensya na digitalization program upang ma-validate at masiyasat ang mga aktwal na lugar na kinaroroonan ng tobacco farmer–partners.

Pag – iibayuhin pa  ng ahensya ang paggamit ng makabagong teknolohiya ng  drone upang gawan ng mapa ang tobacco plantations sa buong bansa na isa anyang hudyat ng mga pagbabago sa mga regulatory programs ng ahensya.

Bawat isa ng walong sangay ng ahensya ay bibigyan ng isang yunit na DJI Mavic 3 Enterprise Drone at karagdagang  drone unit naman ang ibibigay sa  Farm Techno­logy and Services Department (FTSD).

Ang  drone supplier ay nagsagawa naman ng mga  serye ng session ng pagsasanay sa basic operations, safety, at maintenance ng mga  equipment, kabilang ang  data processing. Tatlong  staff members ng bawat sa­ngay ng ahensya ay nakakumpleto ng pagsasanay noong Disyembre 2023 at Marso 2024.

Ipinaliwanag ni NTA oversight official, Undersecretary Deogracias Victor B. Savellano na ang inis­yatibo ay bahagi ng modernisasyon at digitalization ng agrikultura  ayon sa agenda ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.

Sinabi ni NTA Deputy Administrator for Operations (DAOP) Nestor C. Casela at Deputy Admi­nistrator for Support Services (DASS) Benedicto M. Savellano na ang drone technology ay nagpapakita ng inobasyon at efficiency, na magpapalakas ng kakayahan ng NTA na magpatupad ng mga function at kapangyarihan nito tulad ng area validation ng mga aktwal na  tobacco plantations.

Ayon sa high-re­solution aerial imaging and geospatial analysis na nakunan ng  drones, ang mga tobacco plantations  ay makukunan ng aktwal  at magkakaroon ng saktong sukat at computation ng mga  volume ng production.

Tanggap naman ng Farmer leader na si  Bernard R. Vicente, re-elected president ng  National Federation of Tobacco Farmers Association at Cooperatives (NAFTAC),at sinabing mapapabilis ng natu­rang drone technology ang  validation ng lugar ng tobacco plantation.

Sinabi naman ng Full Transmission Start Date for Assignment (FTSD) Manager Juanito Maloonm na para sa  cropping Year 2023 – 2024, 100% ng mga lugar na nataniman  ng iba ibang uri ng tabako sa Luzon  ay na-validate na  sa pamamagitan ng naturang teknolohiya.Ang mga uri ng tabako na naitanim  ay ang Virginia, Burley, at Native.

Nagsimula na rin  ng validation sa tobacco plantations sa Min­danao gamit ang nasabing teknolohiya. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia