NTC APRUB SA NETIZEN

MASAlamin

MASARAP kapag mabuting balita naman ang ating inihahatid sa ating mga suking mambabasa. Nakatutuwa kapag may mga ahensiya tayo na maayos na nagseserbisyo sa taumbayan.

At sa diwang ating binanggit, ay may magandang balita si Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, Jr. na pinapupurihan ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa mabilis na paghahatid ng mga pampublikong serbisyo bilang pagsunod sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Sa pamamagitan ng pag-angat sa pampublikong serbisyo, sinabi ni Secretary Rio na nakuha ng mga opisyal at tauhan ng NTC ang tiwala ng taumbayan.

“A big congratulations to NTC, ably headed by Commissioner Gamaliel A. Cordova, for rending fast and efficient service to the public,” ani Secretary Rio.

“Keep up the good work and more power!” dagdag niya.

Ginawa ng Kalihim mga kamasa ang pahayag nang makara­ting sa kanya ang isang ulat mula sa Civil Service Commission (CSC) kung saan pinakatampok ang isang positive feedback mula sa isang netizen na si Sam Flo­rentino – isang customer ng NTC na nagpaabot ng mensahe sa Contact Center ng Bayan Facebook page ng CSC.

Sa kanyang mensahe sa CSC, ibinahagi ni Florentino: “I would like to commend this agency (NTC) for their efficient service which I have personally experienced. Actually, this is the first time I am doing this for any government institution. Parang nasanay na ako sa magulong sistema ng mga government office na napupuntahan ko. But this time, I need to commend these government people for a job well done.”

Pagpapatuloy ni Florentino: “Very smooth transaction. Very orderly. Personnel were efficient and courteous. Sana lahat po ng government offices ay ganito.”

“For sure, there is leadership behind these. Allow me to congratulate these government personnel for their hard work and dedication to bring service to us. Maraming salamat po sa inyong lahat sa NTC,” dagdag ni Florentino.

Pinasalamatan ni Secretary Rio si Florentino sa feedback nito at kanyang hinikayat ang mga mamamayan na patuloy na magbigay ng feedback sa mga ahensiya ng gobyerno kahit base sa kanilang masasamang karanasan nang sa gayon ay maitama ang mga pagkakamali o mas mapaganda ang pagbibigay ng serbisyo sa mga tao.

Tunay na ito na nga ang panahon ng pagbabago kung saan may boses at partisipasyon ang bawat mamamayan sa pagsasaayos ng kanilang pamahalaan.

Comments are closed.