(NTC kinalampag)TEXT SCAM TULDUKAN

NTC

NABABAHALA ang Senado sa patuloy na paglaganap ng text scam na nambibiktima ng ilang indibidwal.

Sinabi ni Sen. Ramon Revilla na kinakailangan ang agarang aksiyon ng National Telecommunications Commission (NTC) para matuldukan ang naturang scam.

Ani Revilla, hindi na mapigilan ang pagpasok ng text messages sa mobile phone ng mga pribadong indibidwal na may kung ano-anong pakulo para lamang makapanloko at makatangay ng pera mula sa napakaraming biktima.

Malinaw, aniya, na sindikato ang nasa likod ng text scam na ito.

Nais ni Revilla na pag-ibayuhin ang kampanya upang maiwasan na mabiktima ng text scam.

Nabatid na ang paglitaw ng mga kahina-hinalang text messages sa mga mobile phone ay karaniwang nag-aalok ng trabaho, pakinabang at iba pang maaaring pagkakitaan para maengganyo ang isang puntirya na labis ang pangangailangan.

“Napakarami na rin ang nabibiktima, imbes na matakot.These syndicates seem to be having their heyday,” ani Revilla.

LIZA SORIANO