NTC NAG-SORRY SA KAMARA

NTC

HUMINGI ng paumanhin ang National Telecommunications Communication (NTC) sa Kamara kaugnay sa naging desisyon nito na maglabas ng cease and desist order laban sa ABS-CBN.

Magugunitang nagpadala ng show cause orde ang House Committee on Legislative Franchises sa NTC para pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat ma-cite in contempt ang mga opisyal nito.

Sa liham na ipinadala kina Speaker Alan Peter Cayetano at Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez, ang NTC ay humingi ng paumanhin sa idinulot na kalituhan at abala sa Kongreso kasunod ng pagpapatigil sa operasyon ng giant network sa gitna pa man din ng COVID-19 crisis.

Sa kabila nito, nanindigan naman ang NTC sa inilabas na cease and desist order laban sa ABS-CBN dahil kung pagbabatayan umano ang Konstitusyon, mga batas at jurisprudence ay hindi talaga maaaring bigyan ng provisional authority to operate ang network.

“If the NTC were to issue a PA (provisional authority), it would have amounted to an encroachment into the exclusive domain of Congress,” nakasaad sa liham na may petsang Mayo 12 at nilagdaan ni Commissioner Gamaliel Cordoba at ng iba pang mga opisyal. Ipinalabas ito sa media kahapon.

Sinabi ng NTC commissioners na nauunawaan nila kung bakit ang kanilang May 5 cease and desist order ay ikinagulat ng Kongreso, at inaming taliwas ito sa kanilang pahayag noong Marso na papayagan nilang mag-operate ang giant network habang nakabimbin ang renewal ng prangkisa nito.

“The representation was made upon the good faith belief that the issuance of the PA by the NTC provided the best possible solution at that time,” anang NTC commissioners.

Comments are closed.