IPINABABASURA ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Supreme Court ang hirit ng ABS-CBN na pigilan ang pagpapatupad sa shutdown order nito, dahilan para tumigil sa operasyon ang network noong Mayo 5.
Sa 157-pahinang petisyon, hiniling ng NTC sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, sa SC na huwag magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa kautusan nito sa giant network na itigil ang kanilang TV at radio broadcasts dahil sa pasong prangkisa.
Iniapela ng ABS-CBN ang cease and desist order sa SC, subalit sinabi ng NTC na dapat itong ibasura dahil sa kawalan ng merito.
“The NTC has the power to stop broadcasting operations in the absence of a legislative franchise,” sabi nito sa komento sa petisyon ng ABS-CBN.
“ABS-CBN should not be allowed to continue broadcasting on the basis of wrongful past practice,” giit ng NTC bilang tugon sa mga abogado at media group na ikinatuwiran na ilang media at telecommunications companies ang nauna nang pinayagang mag-operate kahit nag-expire na ang kanilang prangkisa.
Idinagdag pa ng NTC na ang pagpapalabas ng cease and desist order ay hindi lumabag sa karapatan ng ABS-CBN sa pamamahayag.
Comments are closed.