(NTC sa telcos)CLICKABLE URLs, LINKS I-DEACTIVATE

INATASAN ng National Telecommunications Commision(NTC) ang tatlong pangunahing telcos sa bansa na i-deactivate ang mga naki-click na URL o mga link sa mga malicious site na nilalaman ng mga text messages sa gitna ng pagtaas ng SMS-based scams.

Ang tatlong telcos ay ang Globe Telecoms, Inc., Smart Communications, Inc. at Dito Telecommunity Corporation.

Ayon sa NTC, dapat i-block ng mga telco ang domain, URLs, links o QR codes mula sa mga fraudulent site batay sa umiiral na database na nakolekta mula sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng NTC, National Privacy Commission, Department of Trade and Industry, Philippine National Police at mga report na mula sa machine learning o artificial intelligence.

Nabatid na ikinabahala ng publiko ang mga kumakalat na personalized text messages na naglalaman ng kanilang pangalan.

DWIZ 882