Si Sheena Mascarina, 8th grader at ipinakita ang kanilang language lesson habang hayahay na nag-aaral sa kanilang bahay sa ilalim ng NTC SmartClass Homeschooling.
MARAMING hamon at matrabaho sa mga magulang at guardian ang pag-aaral ng kanilang anak lalo na ang nasa grade school gaya ng paghahatid-sundo sa mga bata sa paaralan lalo na kung may trabaho o pumapasok sa tanggapan o pagaawan ang mga magulang.
Kaya naman upang ibsan ang mga nabanggit na hamon sa pagpapaaral sa anak , alok at suportado ng National Teachers College (NTC) at APEC Schools, ang NTC SmartClass Homeschooling, para Kinder hanggang Grade 10.
Para kay Rochelle Bondoc, ina ng isang Grade 9 student, ang SmartClass program ay hindi lamang ang maginhawang opsyon, ngunit isa na naglilinang sa potensyal ng kanyang anak.
Sa pamamagitan ng constructivist approach, ginagamit ng SmartClass Homeschooling ang mga umiiral na kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral upang mag-level up ang pagtuturo. Sa nasabing paraan, itinutulak ang mga mag-aaral na maging mas independyente na lalo pang maging masigasig sa pag-aaral.
Upang makamit ito, pinagsama-sama ang mga subject sa SmartClass at natututo ang mga mag-aaral ng mga konsepto sa math, science, langages at ibang pang subject sa real-world setting.
Sa SmartClass Homeschooling, ang pag-aaral ay isinasalin sa pagbuo ng mga kasanayan sa 21th century gaya ng problem solving, critical thinking, grit o katapangan, pagkamalikhain, at collaboration. Sa isang survey na isinagawa ng SmartClass Homeschooling, 9 sa 10 magulang ang nagsabi na ang kanilang mga anak ay nagkaroon din ng integridad, pasasalamat, at ownership.
Katulad ni Mark Xian Bagtong, 8th grader, ay nagkaroon ng pagmamahal sa pag-aaral sa kanyang murang edad.
Sa asynchronous classes at distance learning methods, ang mga nag-aaral ng SmartClass ay kayang maka-accomplish ng kanilang tasking kahit wala sa kanilang tabi ang kanilang mga magulang o kapatid.
Ang flexibility ay nagbibigay daan para sa isang mas holistic na pag-unlad at isang malusog na balanse sa pag-aaral-buhay, parehong mahalaga sa paghubog ng mga kabataan.
“It allows for a continuous and efficient learning experience, as students can adjust their schedules to meet their individual needs and preferences,” paliwanag ni Enrique Jandusay Jr., isa pang SmartClass Homeschooling parent.
EUNICE CELARIO