BINATIKOS ng National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang isinusulong na House Bill 10171 o ang University of the Philippines Security Bill.
Sa press conference ng NTF-ELCAC, sinabi ni NTF-ELCAC Region 6 Spokesperson, Prosecutor Flosemer Chris Gonzales na pabor sa mga kriminal at terorista ang nasabing panukala.
Ayon kay Gonzales, ang epekto ng hakbang ay pagbawalan ang mga pulis at militar na gampanan ang kanilang tungkulin sa loob sa Unibersidad.
Magkukuta lang aniya ang mga masasamang elemento sa loob ng UP campus at makakapagtago na sa batas ang mga ito.
Sa ganitong situasyon, hindi rin aniya magiging ligtas ang mga estudyante at guro sa loob ng unibersidad kaya tila mali ang pamagat na “UP Security Bill”.
Sinabi naman ni dating UP Executive Vice President at Special Adviser for the National Task Force on COVID-19 Philippines, Dr. Ted Herbosa na kung ang layunin ng hakbang ay protektahan ang “academic Freedom”, hindi na ito kailangan dahil ang academic freedom ay nakasaad na sa UP Charter o Republic Act 9500 at ginagarantiyahan ng konstitusyon.
Saved as a favorite, I love your web site!
295444 115055Spot on with this write-up, I truly assume this site needs considerably more consideration. Ill probably be once more to read far much more, thanks for that info. 609392