NAG-ISYU ng gag order ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban kina Lieutenant General Antonio Parlade Jr. at Undersecretary Lorraine Badoy upang huwag na munang magkomento hinggil sa community pantries.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., tumatayong chairman ng NTF-ELCAC, pinagbabawalan pansamantala ang dalawa na magkomento ukol sa mga itinatayong community pantry.
Subalit nilinaw ni Sec Esperon na ito ay upang maalis ang kalituhan sa ginagawang bayanihan ng publiko. “Yes I did if only to emphasize that NTFELCAC or Gen. Parlade or Usec Badoy are not against bayanihan or community pantries.”
Pahayag pa ng national security adviser, “Kapag nagsalita sila akala kasi ng iba, some would take it as the two are against the concept of bayanihan.”
Kinumpirma ni Esperon na kaniya nang pinagsabihan sina Parlade at Badoy, kapwa mga spokespersons NTF-ELCAC, na hindi muna magbibigay ng anumang pahayag o komento kaugnay sa mga isinasagawang community pantry initiatives.
Sinabi ni Esperon na naintindihan nina Parlade at Badoy ang inilabas nitong ‘gag order’, sa katunayan suportado ng dalawa ang bayanihan spirit sa community pantries.
Una rito, itinanggi ni Parlade na kaniyang iniuugnay ang ilang organizers ng community pantries sa komunistang rebelde.
Pero aminado si Parlade, na tsine check niya ang ilang community pantry organizers dahil ginagaya ng makakaliwang grupo ang community pantries sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Samantala, nagbigay naman ng ilang tip si dating AFP chief of Staff General Alexander Yano na madaling malaman kung ginagamit na propaganda ng mga makakaliwa ang community pantries.
“Ito ay kung ginagamit nila ang emotion ng mga tao para isulong ang kanilang agenda kunwari ay magsasara dahil hina-harras ng mga pulis magagalit na ngayon ang mga Pilipino. Gets mo na? Ang galing maglaro ng emotion noh?” ani Gen Yano.
Malalaman din umano kung hinahaluan ng mga propaganda, mga babasahin na nagsusulong ng pagpapabagsak ng gobyerno, kung nanghihingi na sila ng donation in dollars sa ibayong dagat.
“Bakit may kasamang Duterte resign? Bakit may kasamang calls to abolish the police? Bakit may pasimpleng lagay ng flashcards not related to the purpose of the community pantry?
Bakit may propagandist materials?Ano konek? Or is this not enough proof that the community pantry was used by the CTG as propaganda?” ani Gen. Yano. VERLIN RUIZ
686341 403564Absolutely composed written content , thanks for info . 885620