HINUBARAN ng korona ng Filipinas, na kinatawan ng mga player mula sa reigning UAAP men’s champion National University, ang Thailand sa pamamagitan ng 27-25, 25-21, 22-25, 25-20 panalo upang kunin ang 19th ASEAN University Games men’s volleyball gold medal kahapon sa Naypyitaw, Myanmar.
Determinado ang mga Pinoy na tanghaling pinakamahusay sa biennial competition para sa student-athletes sa rehiyon.
Ang mabilis na hit ni Francis Saura ay nagbigay sa Filipinas ng kalamangan sa extended first frame bago nanalasa si Bryan Bagunas sa second set.
Naglatag ng matinding depensa kay hard-spiking Bagunas, nagawang kunin ng Thais ang third set bago nag-regroup ang mga Pinoy sa fourth sa likod ng solid attacking ni Bagunas, net defense ni Saura at floor defense ni libero Ricky Marcos.
Isang outside spike ng Thailand ang nagsilbing championship point para sa Filipinas, na tinapos ang kanilang kampanya na may perfect 4-0 record.
Ang mga Pinoy, na nahigitanang kanilang bronze medal finish sa 2016 edition sa Singapore, ay namayani rin laban sa Thais , 30-28, 25-23, 25-19, sa opener noong Linggo.
Comments are closed.