NU, UP PINAHIGPIT ANG KAPIT SA LIDERATO

Standings W L
NU 5 1
UP 5 1
Ateneo 4 2
UE 3 3
DLSU 3 3
AdU 2 4
UST 1 4
FEU 0 5

Mga laro sa Sabado:
(Ynares Center)
11 a.m. – UP vs UST (Women)
1 p.m. – UP vs UST (Men)
4:30 p.m. – AdU vs DLSU (Men)
6:30 p.m. – AdU vs DLSU (Women)

PINATATAG ng National University at University of the Philippines ang kanilang kapit sa 1-2 spots makaraang malusutan ang kani-kanilang katunggali sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Pinutol ng Bulldogs ang 10-game losing streak kontra La Salle kasunod ng hard-earned 80-76 victory, habang ginapi ng back-to-back title-seeking Fighting Maroons ang University of the East, 84-77, upang manatiling tabla ang dalawang koponan sa 5-1.

Bumawi ang Ateneo mula sa overtime defeat sa UP noong Linggo sa 76-55 pagdispatsa sa Adamson para sa ika-4 na panalo sa anim na laro sa ikatlong puwesto.

Sa kanyang ikatlong laro pa lamang sa kanyang pagbabalik mula sa hamstring injury, muling nagkaloob si Steve Nash Enriquez ng katatagan para sa NU na may 16 points, 3 rebounds at 3 assists, habang umiskor din si John Lloyd Clemente ng 16 points at kumalawit ng 10 rebounds upang makumpleto ang double-double effort.

Ang kanilang pinakamagandang six-game start magmula noong historic 2014 championship run, ito rin ang unang panalo ng Bulldogs laban sa Green Archers magmula noong Oct. 28, 2015, isang 81-73 second round conquest.

“Siyempre, it was a sigh of relief. Nakahinga na rin ako. Kumbaga isa sa mga big boys ito (La Salle),” sabi ni NU coach Jeff Napa. “It was a big game. We were down in the third quarter. We have to change our momentum para mapunta sa amin ang way. At least nakahanap kami ng magic, at ma-turn around ang game papunta sa amin.”

Nahulog ang Green Archers at Red Warriors sa 3-3, habang nalasap ng Falcons ang ika-4 na kabiguan sa anim na laro.

Iskor:
Unang laro:
NU (80) — Clemente 16, Enriquez 16, John 15, Figueroa 12, Malonzo 6, Baclaan 5, Yu 4, Galinato 2, Manansala 2, Mahinay 2, Minerva 0, Tibayan 0, Palacielo 0, Tulabut 0, Padrones 0.
DLSU (76) — Quiambao 15, M. Phillips 15, Nelle 14, Winston 12, Abadam 7, Nwankwo 4, Manuel 3, Estacio 3, Cortez 2, B. Phillips 1, Escandor 0.
QS: 23-17, 40-41, 61-63, 80-76

Ikalawang laro:
Ateneo (76) — Ballungay 21, Ildefonso 15, Gomez 8, Chiu 7, Padrigao 5, Lazaro 5, Kouame 4, Andrade 4, Garcia 3, Koon 3, Daves 2, Ong 2, Quitevis 0, Fetalvero 0, Fornilos 0, Lao 0.
AdU (55) — Lastimosa 18, Douanga 8, Torres 6, Manzano 5, Flowers 4, Jaymalin 3, Fuentebella 3, Yerro 2, Barasi 2, Barcelona 2, W. Magbuhos 2, V. Magbuhos 0, Colonia 0.
QS: 22-16, 41-32, 61-47, 76-55

Ikatlong laro:
UP (84) — Tamayo 13, Fortea 13, Abadiano 13, Diouf 8, Spencer 7, Lucero 7, Gonzales 7, Calimag 5, Galinato 4, Ramos 3, Alarcon 2, Lina 2, Torculas 0.
UE (77) — Payawal 21, N. Paranada 20, Villegas 10, Pagsanjan 9, K. Paranada 9, Stevens 3, Antiporda 3, Sawat 2, Beltran 0, Alcantara 0, Remogat 0.
QS: 18-13, 38-41, 59-56, 84-77.