MATAPOS ang 40 taong pananahimik, masusi ngayong pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagtatayo ng nuclear power plants sa ilang lugar sa bansa.
“The Department of Energy is studying all sources of energy to address the energy security of the future. We’re pushing nuclear and last year finished the draft on national policy on nuclear energy,” wika ni DOE Secretary Alfonso Cusi sa sidelines ng Kapihan media forum sa Manila Hotel.
“We are pushing to have nuclear energy in the country because we want industry to flourish and one of the considerations the manufacturers are looking at is the cost of energy and labor,” sabi pa ni Cusi.
Inamin niya na ang Filipinas ay isa sa may pinakamataas na halaga ng enerhiya sa Asia at nag-iisip ang Duterte administration ng mga paraan upang mapababa ang halaga ng koryente.
“Aside from affordability, were also looking at the quality of energy,” dagdag ni Cusi.
Paliwanag pa niya, ang tanging maaasahan at abot-kayang mapagkukunan ng koryente ay ang nuclear, subalit hindi, aniya, ito nangangahulugan na bubuhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) kundi magtatayo rin sa iba pang mga lugar sa bansa.
Sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, isang $1 billion nuclear power plant ang itinayo subalit nabigong makapagprodyus ng koryente dahil sa mahigpit na pagtutol ng publiko.
Ayon sa mga kritiko, ang BNPP ay nasa earthquake-prone fault.
“There’s too many negatives implanted in our mind, especially the BNPP, which we were told is substandard, sitting on earthquake fault and would collapse, and other reason simply to stop if from operating,” ani Cusi. R. MERCENE
Comments are closed.