NUEVA ECIJA GOVT. BIBILI NG PALAY SA MAGSASAKA

PALAY OUTPUT

NUEVA ECIJA-NA­NA­WAGAN ang isang mambabatas na suportahan ang mga magsasaka at bilhin ang kanilang mga a­ning palay.

Ang nasabing mga palay ay nasa presyo ng P15 kada kilo na mas mataas kumpara sa bi­nibili ng mga pribadong sektor.

Ang hakbang ay bahagi ng P200-million fund para sa nasabing programa na naglalayon ng alisin ang matinding epekto ng  rice tariffication sa mga magsasaka.

Alinsunod sa Executive Order 05-s-2019 na inisyu ni Gov. Aurelio Umali noong Agosto 14, na bumuo ng provincial food council (PFC), na kumikilala sa “agrikultura ang primary industry sa Nueva Ecija” kasama na ang probinsiya bilang  rice granary at ang pagi­ging  onion capital of the Philippines.

Ang Nueva Ecija ay mahalagang  supplier ng  high value agricultural commodities.

“Whereas, to achieve sustainable food production, food security and sufficiency, stable prices and inclusive growth, it is imperative to continuously strengthen the province’s agriculture industry and to address pressing challenges and constraints that may impact on the productivity and the welfare of farmers,” ayon sa kalatas.

Ang nasabing programa ay idinesenyo kasunod ng reklamo mula sa agriculture sector hinggil sa mababang presyo ng pagbili ng palay na alinsunod sa rice tariffication law, o ang  Republic Act 11203.

Sa ilalim ng program, ang provincial government ay bibili ng  palay sa  pre-identified farmers o mayroong bukirin na may tatlong ektarya ang lawak upang mapataas ang rice trading.

Ipinagpalagay naman ni Agriculture Secretary William Dar, na ang hakbang ay “worthy of emulation.”

Hinikayat ng kalihim ang iba pang LGUs na sundin ang ginawang hakbang ng nasabing LGUs.

Samantala, nanawagan si Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara  sa kanyang kap­wa mambabatas na suportahan ang nasabing programa upang itaas ang morale ng agriculture sector, partikular ang  provision ng P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

“Baguhin natin ang ‘di makatarungang sistema na pumapatay sa kanilang kabuhayan, bigyan natin ng prayoridad ang bigas na galing sa a­ting sariling lupa. Let us change the unjust system that is killing their livelihood. Let us give priority to the rice coming from their own lands,” ayon kay Vergara.

Para naman tutukan ang iba’t ibang  progressive farmers organization, sinabi ni  NFA Region 3 Director Piolito Santos  na ang  average retail price ng regular milled rice (RMR)  sa Central Luzon ngayong taon ay P35.43 ang kada  kilo, habang  ang well milled rice (WMR) ay P38.93 kada kilo, na mas mababa sa P41.50 at PHP43.64 ang kilo noong  2018.

Para sa  wholesale, ang RMR ay nasa P31.75 kada kilo, at ang well milled rice ay nasa P34.50 a kilo kada kilo.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.