NUEVA ECIJA INAYUDAHAN NI BONG GO

bong go

SA paglulunsad ng relief operation sa mga residente ng Licab, Nueva Ecija ay hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go na ipagpatuloy ng national government katuwang ang mga local government unit na masolusyunan ang pangangailangan ng mga naghihirap na komunidad ngayong Covid-19 pandemic.

Ipinunto ni Go sa kaniyang video message sa naging relief operations nitong September 23 hanggang 25 sa Licab, Nueva Ecija, na kailangang mapakinggan ang mga local group at iba pang civil society sectors upang maipagkaloob ang lubos na serbisyong pinakamainam para matugunan ang pangangailangan ng komunidad

“Mahirap ang sitwasyon ngayon. Nasa krisis tayo dulot ng COVID-19 at marami ang nawalan ng trabaho. Marami ang nagsara na negosyo at maraming [overseas Filipino workers] din ang umuwi. Ang bawat isa nito ay mayroong pamilyang binubuhay,” saad Go.

“Kaya mas paigtingin pa natin ang ating pagseserbisyo lalo na sa panahon ngayon na nangangailangan ang mga Pilipino. Hindi pwede ang papatay-patay sa gobyerno. Magtulungan po tayo at ‘wag patulugin ang trabaho,” apila nito.

Ang grupo ni Go ay namahagi ng mga pagkain, vitamins, masks, at face shields sa 3,888 residents, kabilang ang mga dialysis patients, farmers, market vendors, jeepney drivers at members ng Tricycle Operators and Drivers Association. Ang aktibidad ay isinagawa per batches sa municipal gym ng Barangays Casimiro at San Cristobal covered courts bilang pagsunod sa health requirements.

Mga piling benepisaryo ang tumanggap ng bagong pares ng sapatos at ang mga nagko-commute papasok sa kanilang mga trabaho ay nabigyan ng mga bisekleta. Ang ba naman ay computer tablets para sa kanilang mga nagsisipag-aral na mga anak.

Ang mga representative naman mula sa Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng financial assistance bilang sigasig ng gobyernong matulungan ang mga low-income communities.

“Dati akong driver dito sa Licab. Nu’ng nagka-pandemya, nawala ang mga trabaho. Buti na lang may tulong na natatanggap kami mula sa mga kaibigan at kamag-anak at ‘yun ang bumubuhay sa amin. Kung minsan, binabawasan na namin ‘yong kinakain namin sa isang araw,” paghahayag ni Jose Sarmiento, 61.

”Sa ating ginoong Presidente (Rodrigo Duterte), nanawagan ako dahil may mga dating ayuda na hindi na nakarating dito… Sana matulungan niyo na mabigyan ako ng kaunting kabuhayan dahil hirap talaga kami sa renta, koryente pati pagkain ngayon. Nangangailangan talaga kami ng tulong dahil wala na talagang trabaho dito sa bayan namin,” apela ni

Si Go bilang Chair of the Senate Committee on Health, ay pinaalalahanan ang publiko na sundin ang protocols upang mapabagal.ang pagkalat ng Covid -19. Nag-alok din ito ng tulong sa mga nangangailangan ng medical care at pinayuhang magtungo ang mga ito sa Malasakit Center para matulungan sa kanilang medical expenses.

Upang mapabilis ang healthcare services ay inakdaan at inisponsoran ni Go ang Malasakit Centers Act of 2019. Ito ay para sa ikapagkakaroon ng one-stop shops para sa mga tulong na maipagkakaloob mula sa DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang Malasakit Center ay itinayo sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital at Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City at sa Talavera General Hospital.

Pinasalamatan ni Go ang iba’t ibang mga opisyales sa kanilang suporta at pagtulong sa pangangailangan ng mga komunidad. Kabilang dito sina1st District Rep. Estrellita Suansing; Governor Aurelio Umali; Vice Governor Emmanuel Umali; Mayor Eufemia Domingo; Vice Mayor Albert Caraang; and Councilors Oliver Villaroman, Reynaldo Geronimo, Alejandro Miguel, Bayani Lopez, Lolito Baltazar, Leny Ogrimen, Glen Llera at Myrla Puno.

Si Go na siyang Vice Chair of the Senate Committee on Finance at isa ring adopted son ng Nueva Ecija ay nagbigay tulong sa iba’t ibang infrastructute initiatives sa probinsiya. Isinama rito ang completion ng DR. PJGMRMC sa Cabanatuan City; rehabilitation ng ilang roads sa Cabiao, General Tinio, Pantabangan, Zaragoza at Cabanatuan City; construction ng multi-purpose buildings sa Gabaldon, Sta. Rosa at Cabanatuan City; at construction ng flood mitigation structures sa General Tinio, Quezon, San Antonio, at Zaragoza.

Sinuportahan din nito ang iba pang mga inisyatiba tulad ng reconstruction ng Llanera public market; rehabilitation ng Baloc public market; at installation ng street lights sa Zaragoza.

Kamakailan, ang grupo ni Go ay nagsagawa ng 5-day relief operation sa 12,132 farmers ng Guimba mula Agosto 23 hanggang 27.

4 thoughts on “NUEVA ECIJA INAYUDAHAN NI BONG GO”

  1. 251015 856550Thank you, Ive just been searching for details about this subject for a even though and yours will be the greatest Ive discovered till now. But, what in regards to the conclusion? Are you certain concerning the supply? 194551

  2. 579925 351797Thank you for every other informative web site. Where else could I get that type of info written in such a perfect indicates? Ive a mission that Im just now operating on, and Ive been at the appear out for such information. 548452

Comments are closed.