NUEVA VIZCAYA GOV. PADILLA PUMANAW NA

NUEVA VIZCAYA – NAGDADALAMHATI ang mga Novo Viscayano sa pagpanaw kahapon ng kanilang gobernador na si Gov. Carlos Padilla sa edad na 78.

Batay sa mga paunang impormasyon, wala na umanong buhay nang makita ng kasambahay ang Gobernador sa kanyang silid kahapon ng umaga at pinaniniwalaang gabi pa lamang ay binawian na ito ng buhay.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang pamilya Padilla sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

Si Governor Padilla ay nasa kanyang ika-huling termino bilang Gobernador ng Nueva Vizcaya matapos siyang ihalal muli ng mga Novo Vizcayano nitong nakaraang May 2022 Elections.
IRENE GONZALES