EPEKTIBO ngayong araw ng Lunes ay tanggal na sa Philippine National Police (PNP) ang pulis na bumaril sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Inianunsiyo ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang dismissal order ni Police Staff Sgt. Jonel Nuezca.
Sinabi ni Sinas na ang pagkasibak sa serbisyo ni Nuezca base sa rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service dahil sa administratibong kasong 2 counts ng grave misconduct at 2 counts of conduct unbecoming of a police officer.
“I would like to announce the administrative case of S/Sgt. Jonnel Nuezca is already resolved. Subject PNCO was charged with 2 counts of grave misconduct and 2 counts of conduct unbecoming of a police officer and he is meted the severest administrative penalty of dismissal from the police service effective today,” ayon kay Sinas.
Nag-ugat ang pagsibak kay Nuezca nang barilin nito ang mag-inang Sonya at Frank Gregorio noong Disyembre 20, 2020, na nakunan ng video at nag-viral sa social media.
Bukod sa administratibong kaso, nahaharap din sa kriminal na kasong double murder sa Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Branch 67 si Nuezca.
Ayon kay PRO 3 Regional Director PBgen. Val Deleon, nabasahan na ng sakdal si Nuezca sa korte kung saan nagpasok ito ng “not guilty plea”.
Sa Pebrero 4 ang susunod na pagdinig sa kaso ni Nuezca sa korte.EUNICE CELARIO
Comments are closed.