KUMAMADA si Nikola Jokic ng triple-double na may 23 points at nagbuhos si Jamal Murray ng 37 points nang gapiin ng Denver Nuggets ang bisitang Los An- geles Lakers, 108- 103, nitong Huwebes upang kunin ang 2-0 lead sa Western Conference finals.
Nagdagdag si Jok- ic ng 17 rebounds at 12 assists, habang nagtala si Michael Porter Jr. ng 16 points para sa Den- ver, na ginamit ang pitong fourth-quarter 3-pointers upang daigin ang Lakers. Si Murray ay 4 of 5 mula sa 3-point range sa fourth, umiskor ng 23 points sa period, makaraang bumuslo ng2 of 9 sa unang tatlong quarters.
Ang Nuggets ay lumapit ng dalawang panalo sa kanilang unang NBA Finals. Ang best-of-seven series ay lilipat sa Los Angeles para sa Games 3 sa Sabado at Game 4 sa Lunes. 6-0 sila sa home sa playoffs sa kasalukuyan.
Nakalikom si LeBron James ng 22 points, 10 assists at 9 rebounds at nagdagdag si Anthony Davis ng 18 points at 14 rebounds para sa Los Angeles.
Umiskor si Austin Reaves ng 22 points at nagdagdag si Rui Hachimura ng 21 para sa Lakers, na mas maganda ang nilaro kaysa sa Game 1. Gayunman ay nabitiwan ng Los Angeles ang 11-point lead sa third quarter nitong Huwebes.
Gumamit ang Nuggets ng 10-0 run sa third upang itabla ang laro sa 74-74.
Tangan ng Lakers ang 79-76 kalamangan matapos ang tatlong quarters bago pumutok si Murray.
Ang kanyang unang 3-pointer sa period ay nagbigay sa Denver ng 84-83 bentahe, may 9:21 ang nalalabi.
Nagdagdag siya ng isa pa, may 7:11 ang nalalabi para sa 87-83 kalamangan. Matapos ang 3-pointer ni Bruce Brown, may 6:49 ang nalalabi upang bigyan ang Denver ng 90-83 kalamangan, muling kumonekta si Murray mula sa 3-point area ng dalawang beses at umabante ang Nuggets sa 99-87, may 4:57 ang nalalabi.
Inilapit ng tres ni Reaves ang Lakers sa 101-99, may 1:07 ang nalalabi, at narolyo ni James ang kanyang kaliwang bukong-bukong. Nanatili sa laro si James, at nagsalpak si Reaves ng isa pang 3-pointer upang ilapit ang Los Angeles sa 106-103, may 13.5 segundo ang nalalabi, left, subalit pitong free throws ni Murray sa huling 50 segundo ang nagselyo sa panalo.
Makaraang maghabol ng hanggang 16 points sa first quarter ng Game 1, ang Lakers ay umabante ng hanggang 6 points sa opening period ng Game 2.
Nakatabla ang Denver sa 27-27 sa pagtatapos ng first quarter, subalit lumamang ang Lakers sa 53-48 sa halftime sa likod ng 17 points ni Hachimura, na 7 of 7 mula sa field sa unang dalawang quarters.