NAGSALANSAN si Nikola Jokic ng 34 points, 13 rebounds at eight assists upang pangunahan ang bisitang Denver sa 127-102 panalo sa Los Angeles.
Naitala ni Michael Porter Jr. ang 13 sa kanyang 24 points sa third quarter, tinulungan ang Nuggets na ma-outscore ang Los Angeles, 37-15, upang kunin ang 94-78 bentahe papasok sa fourth. Kumalawit din si Porter ng 11 rebounds.
Umiskor si Austin Reaves ng 19 points, nagtala si LeBron James ng 18 points, 7 assists at 6 rebounds at tumapos si Anthony Davis na may 14 points at 10 rebounds para sa Lakers, na natalo ng dalawang sunod matapos ang six-game winning streak.
Spurs 104, Warriors 94
Nagbuhos si Victor Wembanyama ng 25 points at nagdagdag si rookie Stephon Castle ng 19, kabilang ang anim sa decisive late run, at humabol ang San Antonio sa fourth quarter upang gapiin ang bisitang Golden State.
Tumapos si Andrew Wiggins na may 20 points at nagdagdag si Stephen Curry ng 14 upang pangunahan ang Golden State.
Nagdagdag si Harrison Barnes ng 22 points para sa San Antonio, na naglaro na wala sina Devin Vassell (knee) at Keldon Johnson (hamstring).
Samantala, nalusutan ng Milwaukee Bucks ang career-best 50-point night mula kay LaMelo Ball upang pataubin ang bisitang Charlotte Hornets, 125-119, at hilahin ang kanilang winning streak sa apat na laro.
Sa iba pang laro, pinataon ng Jazz ang Knicks, 121-106; pinaamo ng Grizzlies ang Bulls, 142-131; ginapi ng Magic ang Pistons, 111-100; at pinabagsak ng Trail Blazers ang Rockets, 104-98.