NUGGETS HUMIRIT NG ‘DO-OR-DIE’

nuggets vs clippers

NAGBUHOS si Nikola Jokic ng 34 points, 14 rebounds at 7 assists, at nalusutan ng Denver Nuggets ang 19-point second-half deficit upang maitakas ang 111-98 panalo laban sa  Los Angeles Clippers at maipuwersa ang Game 7 sa kanilang Western Conference semifinal series.

Ito ang ika-5 sunod na panalo ng Nuggets sa isang elimination game sa playoffs na ito. Kakailanganin nila ang ika-6 upang umabante sa conference finals.

Na-outscore ng Nuggets ang second-seeded Clippers, 64-35, sa second half, at nalimitahan ang Los Angeles sa 26.3 percent shooting. Kabilang dito ang stretch na 10 sunod na pagmintis ng Los Angeles sa third quarter, na nakatulong sa Denver para mapababa ang 19-point deficit bago nakontrol ang final period.

Naitala ni Jokic ang 11 sa kanyang mga puntos sa fourth quarter, kabilang ang back-to-back 3-pointers upang bigyan ang Nuggets ng 91-84 lead, may 8:14 sa orasan. Kasunod nito ay isang jumper ni Jokic ang nagpalobo sa kalamangan sa 10, bago inilagay ng isa pang  3-pointer ng two-time All-Star ang talaan sa 106-93, may  2:27 ang nalalabi.

Na-outscore ng Nuggets ang Clippers, 30-16, sa third quarter, kabilang ang 17-0 run upang tapyasin ang kalamangan ng Los Angeles sa 73-72 sa layup ni Gary Harris, may 3:29 ang nalalabi sa period.

Naitabla ng Denver ang laro sa 79 sa layup ni Torrey Craig sa opening minute ng fourth quarter, pagkatapos ay kinuha ang unang kalamangan buhat sa  opening minute nang maisalpak ni Craig ang isang corner 3 sa sumunod na possession ng Denver.

Bumuslo ang Nuggets ng 61.1 percent sa second half, kabilang ang  7-of-12 mark mula sa 3-point range.

Tumapos si Denver’s Jamal Murray na may 21 points, 5 rebounds at 5 assists, at nanatili sa laro makaraang bumagsak sa sahig nang supalpalin ni George sa ilalim ng basket sa kaagahan ng third quarter.  Nagdagdag si Gary Harris ng16 points, 4 rebounds at 4 steals.

Kumamada si Paul George ng 33 points, 6 rebounds at 5 steals, habang nakalikom si Kawhi Leonard ng 25 points, 8 rebounds, 5 assists at 2 steals.

Comments are closed.