NAGBUHOS si Nikola Jokic ng 41 points at nabawi ng Denver Nuggets ang top position sa Western Conference playoff race sa 116-107 panalo laban sa Minnesota Timberwolves sa kanilang top-of-the-table clash nitong Miyerkoles.
Sa isang hard-fought showdown sa Denver na 15 beses na nagkaroon ng palitan ng kalamangan, ang Nuggets ay nakalayo sa fourth quarter upang selyuhan ang panalo.
Sa panalo ay umangat ang Denver, ang reigning NBA champions, ng isang laro sa Western Conference, may dalawang regular-season games na lamang ang nalalabi.
Dahil ang kanilang final opponents ay ang lowly ranked Memphis at San Antonio, ang Denver (56-24) ay pinapaboran na magtapos sa ibabaw ng West at kunin ang No.1 seeding at home advantage sa playoffs.
“We found a way to win, our defense in the fourth quarter was amazing,” pahayag ni Jokic sa ESPN, bago binalewala ang kahalagahan ng pagbabalik ng Denver sa unahan. “It’s important to be honest, but the West is really, really, really tough. We could play the Los Angeles Lakers or Golden State in the first round — they’re all good teams.”
Si Jokic, na nagtala rin ng 11 rebounds, 7 assists at 3 steals, ay sinuportahan ng 20 points mula kay Jamal Murray habang nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 18.
Nanguna si Anthony Edwards para sa Minnesota na may 25 points habang nag-ambag si Mike Conley ng 19. Tumapos sina Rudy Gobert at Naz Reid na may tig-13 points.
Sa pagkatalo ay nahulog ang Minnesota sa third place sa West sa likod ng Oklahoma City Thunder. Bagama’t ang Timberwolves at OKC ay may magkatulad na records na 55-25, may dalawang laro ang nalalabi, tangan ng Thunder ang tiebreaker sa bisa ng mas magandang divisional record.
Suns 105,
Clippers 108
Bumawi ang Phoenix Suns mula sa 105-92 home defeat sa Los Angeles Clippers noong Martes makaraan ang panalo sa road sa return fixture.
Pinangunahan ni Devin Booker na kumamada ng 37 points ang panalo ng Phoenix at nagdagdag si Kevin Durant ng 24 at nagposte si Bradley Beal ng 26.
Sa panalo ay nanatili ang tsansa ng Phoenix na makakuha ng automatic playoff berth, may dalawang laro ang nalalabi.
Ang seventh-placed Suns ay may 47-33 record, sa likod ng New Orleans, na tangan ang huling automatic postseason spot sa West sa sixth na may 47-32 record.
Sa iba pang laro ay rumolyo ang Dallas Mavericks sa ika-5 sunod na panalo sa 111-92 pagbasura sa Miami Heat.
Umiskor si Luka Doncic ng 29 points para sa Dallas sa resulta na sumiguro sa pagkopo ng New York Knicks ng isang playoff berth sa East.