NUGGETS PINAPAK NG WIZARDS

wizard vs nuggets

NAGBUHOS si Bradley Beal ng 33 points, nagdagdag si Russell Westbrook ng 16 points, 10 rebounds at 10 assists, at nalusutan ng bisitang Washington Wizards ang Denver Nuggets, 112-110, noong Huwebes ng gabi (US time).

Umiskor si Rui Hachimura ng 20 points, at nag-ambag sina Raul Neto ng 15 at Robin Lopez ng 10 para sa Washington.

Tumapos si Jamal Murray na may game-high 34 points, nakalikom si Nikola Jokic ng 24 points at 11 rebounds, nagtala si Michael Porter Jr.  ng 18 points at 10 rebounds, at tumipa si Monte Morris ng 12 para sa Nuggets, na kinapos sa mga huling segundo.

BUCKS 129,

PELICANS 125

Tumabo si Giannis Antetokounmpo ng 38 points at 10 rebounds at nagdagdag si Khris Middleton ng 31 points nang gapiin ng host Milwaukee Bucks ang New Orleans Pelicans, 129-125.

Kumamada si Donte DiVincenzo ng career-high 24 points at gumawa sina Brook Lopez at  Bobby Portis ng tig-12 para sa  Bucks na nanalo ng apat na sunod.

Nagposte si Zion Williamson ng 34 points at nagdagdag sina Brandon Ingram ng 23, Lonzo Ball ng 20, Eric Bledsoe ng 16 at Willy Hernangomez ng 10 upang pangunahan ang  Pelicans, na tinalo ang Bucks, 131-126, noong Enero  29 sa New Orleans.

KNICKS 140,

KINGS 121

Kumana si rookie Immanuel Quickley ng 25 points at nag-ambag si Alec Burks ng 24 mula sa bench upang pangunahan ang host New York Knicks sa 140-121 panalo kontra Sacramento Kings.

Nakakolekta si New York’s Julius Randle ng 21 points at 14 rebounds at naipasok ni Derrick Rose ang 7 sa 11 shots mula sa floor upang tumapos na may 18 points.

Si Rose ay ipinasok sa starting lineup kapalit ni Elfrid Payton, na hindi naglaro sa unang pagkakataon ngayong season dahil sa ailing hamstring.

Tumipa si RJ Barrett ng 12 points at nagdagdag si Reggie Bullock ng 10 para sa Knicks, na bumuslo ng 65.9 percent (29 of 44) mula sa floor at 52.9 percent (9 of 17) mula sa 3-point range upang kunin ang 77-62 kalamangan sa halftime.

NETS 129,

MAGIC 92

Tumapos si Kyrie Irving na may 27 points at 9 assists at nakarekober ang  host Brooklyn Nets mula sa mabagal na simula upang palawigin ang kanilang season-high winning streak sa walong laro sa pamamagitan ng 129-92 panalo kontra Orlando Magic.

Naipasok ni Irving ang 11 sa 18 shots at umabot sa 25-point mark sa ika-18 pagkakataon sa 24 games sa most lopsided win ng Brooklyn sa season.

Nagdagdag si James Harden ng 20 points, 7 assists at 9  rebounds para sa Nets, na bumuslo ng 61.1 percent sa huling tatlong quarters, 53.3 percent overall at nagsalpak ng  20 3-pointers.

Nag-ambag si reserve Landry Shamet ng 19, habang tumipa sina  Joe Harris at Bruce Brown ng tig-14 para sa Brooklyn.

Nakakolekta si Nikola Vucevic ng 28 points at 12 rebounds para sa Orlando, na bumuslo ng 40.2 percent, nagminitis ng 27 sa 36 3-point tries at nalasap ang most lopsided loss sa season.

GRIZZLIES 122,

CLIPPERS 94

Nagtala si Jonas Valanciunas ng double-double na may  16 points at 15 rebounds, umiskor si Tyus Jones ng 20 mula sa bench, at pinulbos ng host Memphis Grizzlies ang Los Angeles Clippers, 122-94.

Umiskor ng double figures ang lahat ng limang Grizzlies starters, kabilang si Dillon Brooks na may 19 points sa kanyang pagbabalik

mula sa three-game absence dahil sa thigh injury.

76ERS 111,

MAVERICKS 97

Gumawa si Joel Embiid ng 23 points at kumalawit ng  9 rebounds upang pangunahan ang  host Philadelphia 76ers sa panalo kontra Dallas Mavericks, 111-97.

Bumuslo si Embiid ng 5 of 20 mula sa field subalit naipasok ang  11 sa 12 free throws.

Nagdagdag si Ben Simmons ng 15 points at 7 assists, habang nag-ambag si Seth Curry ng 15 points para sa Sixers, na umangat sa 14-2 sa home.

Nakalikom si Dwight Howard ng 14 points at 8 rebounds, at nagdagdag si  Shake Milton ng 10 points.

12 thoughts on “NUGGETS PINAPAK NG WIZARDS”

Comments are closed.