NAGBUHOS si Nikola Jokic ng 27 points at 12 rebounds, habang nagdagdag si Paul Millsap ng 13 points at season-high 12 rebounds upang tulungan ang host Denver Nuggets na dispatsahin ang Oklahoma City Thunder, 119-101, noong Martes ng gabi.
Umiskor si Monte Morris ng 15 points mula sa Denver bench. Nagdagdag sina Will Barton ng 13 points, Gary Harris at PJ Dozier ng tig- 11 at JaMychal Green ng 10 points at 8 rebounds.
Na-outscore ng Nuggets ang Thunder, 66-43, sa second at third quarters, at pagkatapos ay pinagpahinga ang kanilang starters sa fourth. Ang Denver ay nagsalitan ng panalo at talo sa nakalipas na limang laro.
Nagbida si Luguentz Dort para sa Oklahoma City na may 20 points. Nagdagdag si Shai Gilgeous-Alexander ng 14, tumipa si Darius Bazley ng 12 at nagtala si Isaiah Roby ng 10 points at 9 rebounds para sa Thunder, na natalo sa ikatlong pagka-kataon sa apat na laro.
Lumamang ang Denver ng 13 points sa kaagahan ng third quarter bago lumayo. Naisalpak ni Millsap ang isang 3-pointer, at makaraang magpalitan ang mga koponan ng hoops, gumawa si Harris ng 3-pointer mula sa wing para bigyan ang Nuggets ng 75-56 kalamangan.
Dalawang turnovers at tatlong buckets ng Oklahoma City ang nagtapyas sa deficit sa 13, subalit hindi na hinayaan ng Denver na makalapit pa ang kalaban.
JAZZ 118, PELICANS 102
Kumamada si Donovan Mitchell ng 28 points at kumawala ang Utah Jazz sa third quarter upang kumarera sa kanilang ika-6 na sunod na panalo kontra New Orleans Pelicans sa Salt Lake City.
Si Mitchell ay isa sa anim na Jazz players na may multiple 3-pointers, kung saan nagsalpak siya ng apat sa 21 treys ng Utah
Gumawa rin sina Joe Ingles (five), Jordan Clarkson (four), Bojan Bogdanovic (three), Royce O’Neale (two) at Georges Niang (two) ng mahigit sa isang triple para sa Utah, na bumuslo ng 50.6 percent overall at 44.7 percent sa three-point area.
Ang Pelicans, na nalasap ang ikaanim na kabiguan sa pitong laro, ay kumonekta lamang ng 6 sa 26 3-point attempts (23.1 percent) at 45.3 percent mula sa floor overall.
Muling nagpasikat si New Orleans star Zion Williamson subalit hindi nakakuha ng sapat na suporta mula sa kanyang mga kasamahan.
Tumapos si Williamson na may 32 points at 5 rebounds. Si Brandon Ingram ang isa pang New Orleans player na kumana ng double figures, na may 17 points.
Umiskor si Clarkson ng 18 mula sa bench para sa Jazz. Nagdagdag si Ingles ng 15 sa kanyang pagbabalik mula sa three-game absence dahil sa Achilles injury, at nakalikom si Rudy Gobert ng 13 points, 18 rebounds at 3 blocked shots.
Comments are closed.