DAVAO DEL NORTE – PLANO ng National Union of Journalist in the Philippines (NUJP) na magsarili ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng 67-anyos na mamamahayag na si Dennis Wilfredo Denora, sa Panabo, Davao del Norte noong Huwebes.
Ayon sa NUJP, lubhang nakababahala ang insidente dahil mistulang nagbabalik na naman sa eksena ang mga media killing sa ilalim ng Duterte administration.
Ang nasabing pahayag ay bunsod ng panibagong pag-atake sa isang miyembro ng media na walang awang pinagbabaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.
Ayon kay NUJP national director Nonoy Espina, ika-11 journalist na si Denora na pinatay sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala ang opisyal na ang naturang pag-akyat ng bilang ay patunay na lumala ang media killings sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Isa sa mga sinasabing nagbibigay lakas na mga pumapatay ng kasapi ng media ang pagmumura ng pangulo sa mga miyembro ng 4th states na posibleng naging basehan ng mga pumapatay.
Kumbinsido rin ang grupo na may kaugnay sa propesyon ni Denora bilang writer ng diyaryong Trends and Times sa Panabo City ang insidente, kaya nagpasya silang magsasagawa rin umano ng sariling imbestigasyon.
Kaugnay nito, kasabay ng 10th National Congress ng NUJP sa Maynila, sinabi ni Espina na magiging matatag pa rin ang grupo bagaman nalagasan muli ng kawani ang hanay ng mamamahayag.
Comments are closed.