NUKE ENERGY SA PINAS APRUB SA KAMARA

NAAPRUBAHAN  na sa 3rd and final reading nitong Miyerkoles sa plenaryo ng Kamara ang panukalang batas na magbibigay karapatan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makipag ugnayan hinggil sa pagpapaunlad at paglalagay ng enerhiyang nuclear sa bansa.

Ito ay sa gitna ng oposisyon ng ilang sektor na kinukwestyon ang kaligtasan sa kapaligiran at kalusugan ng mga panukalang nuclear energy bukod pa umano sa pag -aalalang hindi maitatapon ng maayos ang mga waste products nito tulad ng nagaganap sa ibang bansa na nagde-decommission na dahil sa naturang isyu.

Umabot sa 200 ang affirmative o pumabor sa naturang landmark measure na House Bill (HB) No. 9293 o “Philippine National Nuclear Energy Safety Act,” at pito naman ang hindi pumabor o negatibo ang boto, samantalang dalawa ang nag- abstain o hindi bumoto sa naturang panukala.

Ang naturang bill ay naglalayon na magbigay ng isang legal framework para sa pamamahala at magiging paraan upang mapadali ang pagtatatag ng ligtas, tahimik at malinis na enerhiyang nukleyar para sa bansa.

“The measure defines nuclear energy–also called atomic energy–as any form of energy released during nuclear fission, nuclear fusion, or any other nuclear transmutation.A key provision of HB No.9293 involves the creation of the Philippine Atomic Energy Regulatory Authority or PhilATOM,” nakasaaad sa naturang panukalang batas.

“The PhilATOM shall have sole and exclusive jurisdiction to exercise regulatory control for the peaceful, safe, and secure uses of nuclear energy and radiation sources in the Philippines….This is the first step toward realizing our dream of energy security. We share this bold but promising vision of President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. to look into nuclear energy seriously. Indeed, to embrace change is to embrace the future ,” sabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sa naturang panukalang batas, lahat ng regulatory functions ng Phillippine Nuclear Research Institute (PNR1) ay ililipat sa PhilATOM. Samantala. Lahat ng regulatory functions tungkol sa devices, pag- generate ng ionizing radiation ng Radiation Regulation Division ng Center for Device Regulation, Radiation, Health at Research ng Department of Health(DOH) – Food and Drug Administration (FDA) ay ililipat din sa naturang Authority. MA. LUISA GARCIA