NUKE TEST SITE NG NOKOR UNTI-UNTING WINAWASAK

North_Korea_Nuke_Test.jpg

MISMONG ang Estados Unidos ang kumumpirma  na “well under way” na ang pagsira ng North Korea sa kanilang nuclear bomb test site.

Base sa satellite photos ng Amerika, makikita ang binansagang unang “definitive evidence” na sinisimulan na ng North Korea ang pangako nila na tuluyang pagsira partikular sa Punggye-ri nuclear test ground.

Iniulat na itinakda ng North Korea  na sa  Mayo 23 at 25  ng taong ito sisimulan ang pagsira sa  kanilang nuclear test site kung saan wawasakin ang lahat ng tunnel  na kinaroroonan ng mga pampasabog, pagharang sa entrance, gayundin ang pag-alis sa lahat ng observation facilities, research buildings at security posts.

Ang positibong hakbang ng North Korea ay isang buwan bago ang makasaysayang pag­haharap ng kanilang 34-anyos na lider na si Kim Jong-Un at  ng 71-anyos na si US President Donald Trump sa Hunyo 12 sa Singapore.

 

Comments are closed.