NUMBER CODING IBABALIK

PINAG-AARALAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kung ibabalik na ang number coding.

Ito ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos ay dahil sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA sa pagsisimula ng paniningil ng Skyway Stage 3.

Sinabi ni Abalos na nasa isandaang libong sasakyan ang dumadaan kada araw sa Skyway at 80% nito ay gumagamit ng RFID.

May 20,000 sasakyan naman ang maaaring dumaan sa EDSA bilang alternatibo at dagdag ito sa kapasidad ng EDSA na nasa halos 400,000 sasakyan.

Una nang sinuspinde ang number coding noong isang taon dahil sa kakulangan ng public transportation dulot ng COVID-19 pandemic. DWIZ882

6 thoughts on “NUMBER CODING IBABALIK”

  1. 327067 158605Need to tow line this caravan together with van trailer home your entire family quickly get exposed to the issues along with reversing create tight placement. awnings 578479

Comments are closed.