NUMBER CODING PAG-AARALANG IBALIK

TATLONG araw hanggang isang linggong pag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang daloy ng trapiko sa Edsa at maging sa buong Metro Manila.

Ito ayon kay Traffic Czar Bong Nebrija ay bago pinal na maglatag at magsumite ng rekomendasyon sa Metro Manila Council (MMC) hinggil sa pagbalik ng number coding sa buong araw.

Kasunod na rin ito ng pagsailalim sa Metro Manila at halos 40 pang lugar sa alert level 1 si­mula bukas March 1.

Una nang inihayag ni Nebrija na bumibigat na ang daloy ng trapiko sa buong rehiyon at inaasahang mas dadami pa ang mga sasakyan sa pagsai­lalim sa alert level 1 ng NCR kayat posibleng ikasa na ang full implementation ng number coding.