SUSPENDIDO ang Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme ngayong Mahal na Araw.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), walang number coding na ipatutupad simula sa Holy Tuesday hanggang sa Good Friday.
Automatic na lifted ang modified number coding scheme tuwing Semana Santa,” ayon sa MMDA.
Ang number coding ay umiiral mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi para maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko tuwing afternoon rush hour.