SUSPENDIDO ang pag-iral ng number coding sa araw ng Martes, May 3, 2022.
Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang May 3 ay deklaradong regular holiday bilang pagdiriwang sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
Ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 3 at 4 ay maaring makabiyahe bukas sa mga lansangan sa Metro Manila.
Nananatiling 5PM to 8PM ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila ayon sa MMDA. LIZA SORIANO